Nakapagtala ang Department of Health ng 592 severe at critical cases ng Covid-19 na naka-admit sa mga ospital.
Ayon sa DOH, ang nasabing bilang ay naitala noong Dis.18.
Sa 2,501 ICU beds para sa mga Covid-19 patients, 509 o 20.4% ang okupado.
Nasa 4,455 o 22.5% ng 19,819 Non-ICU Covid beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Samantala, 73 million individuals o 94.41% na ng target population ang fully vaccinated kabilang ang 21 million individuals na nakatanggap na ng booster shots.