Posibleng maabot na ang peak o rurok ng inflation sa bansa ngayong buwan.
Ito, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, ay matapos sumampa sa 14-year high ang inflation rate noong Nobyembre.
Nagdulot ang 8% annual inflation ng year-to-date rate na 5.6%, kumpara sa 2% hanggang 4% target ng BSP para sa kasalukuyang taon.
Magugunitang nirebisa ng Development Budget Coordination Committee ang Inflation Projection nito para sa taong 2022 sa 5.8%.
Mula ito sa kasalukuyang projection na 4.5% hanggang 5.5% dahil sa pananatili ng mataas na presyo ng pagkain at transportasyon.