Mahigit 300-M piraso ng P1,000 polymer banknotes ang inaasahang ilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa unang quarter ng taong 2023.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, kung susumahin ang physical money circulation ay aabot na ito sa mahigit P2-T, kabilang ang mga barya.
Inilabas ng BSP ang bagong disenyo ng P1,000 noong Disyembre 2021 kung saan, tampok ang philippine eagle sa harap at pinalitan ang mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.
Samantala, tiniyak naman ni Medalla na may sapat na suplay ng malutong na perang papel at barya ngayong holiday season. —sa panulat ni Jenn Patrolla