Nanawagan ang isang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suriin ang automatic fare adjustment sa gitna ng taas-presyo ng petrolyo.
Ayon kay National President Boy Rebaño ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), dapat ibase ng ahensya ang desisyon sa memorandum circular no. 2019-035
Sa ilalim nito, dapat isaalang-alang sa formula ng pamasahe ang mga sumusunod:
official report ng Department of Energy sa presyo ng petrolyo
Total operating at maintenance cost base sa survey, pag-aaral, at imbestigasyon na isinagawa ng LTFRB kasama ang mga operator, driver at iba pa, at base fare bago ang gagawing adjustments.