Muling tiniyak ng Philippine Ports Authority ang seguridad at kaligtasan ng mga biyaherong mag-uuwian sa mga probinsya ngayong christmas rush.
Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, mahigpit ang kanilang koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno sa gitna nang pagdagsa ng milyun-milyong biyahero, lalo bukas.
Aminado naman si Samonte na hindi minsan maiwasan ang ilang aberya, gaya ng atrasadong schedule ng mga barko, lalo’t nakararanas din ng traffic congestion sa mga pantalan.