Asahan ang mas mahal na bigas sa susunod na linggo o bago mag-bagong taon.
Ayon sa Grupong Samahang Industriya at Agrikultura (SINAG), posibleng madagdagan ng P2 ang kada kilo ng bigas.
Inihayag ni SINAG Chairman Rosendo So na hindi na kasi gaanong kumikita ang mga magsasaka dahil sa mataas na production cost ng palay.
Mas mababa na rin anya ang ani ngayong taon kumpara noong isang taon bukod pa sa problema sa smuggling.