Tinutulan ni dating COMELEC Commissioner, ngayo’y P3PWD Party List representative Rowena Guanzon ang pahayag ng DTI na uubra ang P500 para sa noche buena ng isang pamilya na may limang miyebro.
Ayon kay Guanzon, padadalhan niya si DTI Undersecretary Ruth Castelo ng Christmas gift na nagkakahalaga ng P500 kasama ang 1/8th kilo ng giniling na baboy kapag ipinaggiitan pa nito ang P500 noche buena.
Una na ring umani ng batikos si Castelo sa nasabing pahayag matapos magpalabas ang DTI ng price guide para makapamili ang publiko ng noche buena items.