Ipinanawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na tangkilikin ang mga pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito ay matapos ang matagumpay na Parade of Stars noong Miyerkules sa Quezon City.
Ayon kay MMDA acting Chairman, Atty. Romando Artes, isa ang industriya ng pelikula sa pinaka-naapektuhan ng pandemya bunsod ng pagkakasara ng mga sinehan dahil sa ipinatupad na mga health protocol.
Inaasahan naman ni Artes na makababangon ngayong taon ang naturang industriya, kasabay ng pagluwag ng mga patakaran.
Samantala, mapapanood naman ang walong opisyal na pelikulang kalahok sa 2022 film fest simula Disyembre a-25 hanggang sa unang linggo ng Enero. – sa panulat ni Hannah Oledan