Kontrolado na ng pamahalaan ng China ang produksyon ng medical supplies sa kanilang bansa.
Kasunod ito ng nararanasang shortage sa produkto kung saan milyon-milyong Chinese ang hirap makabili ng gamot at testing kits sa gitna ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Batay sa ulat, kontrolado na ng mga otoridad sa China ang mga pharmacies kasabay ng biglaang desisyon na alisin ang mga lockdown at quarantine.
Hinikayat naman ng awtoridad ang mga may sintomas ng COVID-19, na manatili sa bahay at kumuha ng paggamot sa sariling makakaya.
Sa ngayon, dosenang Chinese pharmaceutical firms na ang hiningan ng tulong ng Chinese government upang makakuha ng maraming suplay ng gamot kontra COVID-19.