Pinangasiwaan ng Inter-Agency Committee on Environmental Health ang kasong Anthrax sa Cagayan.
Ito’y matapos kumpirmahan ng Department of Health (DOH) sa nabanggit na lugar.
Ayon sa DOH, mayroon nang 12 kaso na naiulat noong Dis. a-22 at tatlong bacillus anthracis via PCR.
Naiulat ng DOH at Department of Agriculture na ilang kalabaw ang nagkasakit at namatay matapos magpakita ng mga sintomas ng naturang sakit.
Una nang sinabi ng Health Department na isang bacteria ito na matatagpuan sa lupa.
Kasabay nito, nakakain ng karne ng may sakit na kalabaw ang ilang indibidwal.
Kaya’t hinikayat ng DA ang publiko na maging mapagmatyag sa pagbili ng karne lalo na ngayong Pasko. —sa panulat ni Jenn Patrolla