Nasawi ang tatlong indibidwal at tatlo ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Central Paris.
Naaresto naman ang 66- taong gulang suspek na target umano ang Kurdish Community Center at Restaurant.
Ang mga Kurd o Kurdish ay tumutukoy sa Iranian Ethnic Group na katutubo sa bulubunduking rehiyon ng Kurdistan sa kanlurang Asya, na sumasaklaw sa timog-silangang Turkey, hilagang-kanluran ng Iran, hilagang Iraq, at hilagang Syria.
Ayon kay Paris Mayor Anne Hidalgo, ay isang far right activist ang naturang suspek.
Samantala, sinasabing nag-ugat ang naturang insidente dahil sa Hate Crime o Racism. —sa panulat ni Hannah Oledan