Bumagsak ang lebel ng temperatura sa Baguio City at Benguet nitong Christmas Eve kasabay ng pagsisimula sa panahon ng amihan.
Ayon sa PAGASA, bumulusok sa 12.4 degree celsius ang lamig ng panahon sa Baguio nitong Sabado ng umaga, habang 12.6 degree celsius sa Trinidad, Benguet.
Inaasahan naman ang mas mababang temperatura ngayong araw, pagdiriwang ng pasko, at bababa pagkatapos ng Pasko habang nagpapatuloy ang amihan surge.
Samantala, sa Metro Manila sinabi ng PAGASA na posibleng bumaba sa 21 hanggang 22 degree celsius ang lamig ng panahon, na magaganap sa darating na Lunes at Martes, December 26 at 27.
Isang maulan na Christmas weekend naman ang mararanasan sa Palawan, Eastern Visayas, Caraga, at Northern Mindanao dahil sa shear line, isang lugar kung saan nagtatagpo ang malamig at mainit na hangin.