Napuno ng mga taong nagsisimba ang ilang simbahang katoliko matapos pisikal na dumalo sa tradisyonal na Misa de Gallo, Sabado ng gabi, bisperas ng Pasko. Ito ang unang pagkakataon mula nang magsimula ang pandemya.
Sa Tagkawayan Quezon, napuno ng mga nagsisimba ang parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes kung saan kailangang tumayo sa labas ng simbahan ang mga tao habang pagkatapos ng misa, pinahintulutan ang mga parokyano na halikan ang mga imaheng malapit sa altar.
Habang, sa unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila, daan-daan ang dumalo sa outdoor Misa de Gallo na ginanap sa UST plaza mayor noong Sabado ng gabi.
Samantala, nagpaabot ng pagbati ngayong Pasko si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagsasabing ang Pasko ay kumakatawan sa “pure and simple love”—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon