Mas pinili ng maraming pamilyang Pilipino na mamasyal sa mga parke at ibang pampublikong lugar ngayong araw ng Kapaskuhan. Ito ang unang Pasko na may pinakamaluwag na restrictions sa gitna ng laban kontra COVID-19 pandemic.
Sa lungsod ng Maynila, bago pa sumapit ang alas-6:30 ng umaga ay marami na ang nagre-relax at nagbo-bonding sa Rizal Park o Luneta.
Samantala, hindi pa ring pinapayagang lumangoy, magdala ng pagkain at manigarilyo sa Manila Dolomite Beach.
Bukas ang Luneta mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi habang ang dolomite beach ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon