Dinagsa ng mga namasyal ang ilang parke at mall sa Metro Manila sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko kahapon.
Batay sa datos ng Manila City Public Information Office, aabot sa 43K katao ang nagtungo sa Rizal Park.
Pinilahan din ang Manila Zoo pero lalo’t nahirapan ang mga nais pumasok sa online registration.
Pami-pamilya naman ang dumayo sa Dolomite White Sand Beach pero may ilang hinarang dahil ipinagbabawal pa rin ang pagdadala ng pagkain at paninigarilyo.
Samantala, may iilan naman na piniling manood na lamang ng pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sinimulang ipalabas kahapon ang walong pelikulang kalahok sa MMFF na matatapos naman hanggang Enero a-7 ng susunod na taon.
Samantala, muling hinikayat ng Office of the Press Secretary ang publiko na sumunod pa rin sa health protocols lalo’t may banta pa rin ng Covid-19 kahit holiday season. –sa panulat ni Jenn Patrolla