Gagamit ang Miss Universe ng sustainable sash para sa ika-71 edisyon ng naturang pageant sa 2023.
Ayon sa Miss Universe, ang mga sash ay gawa mula sa 100% “post-consumer recycled” na fabric at mayroon din itong rhinestones.
Layon nito na mabawasan ang plastic at basura at sa pakikipagtungan na rin sa “The Sash Company”.
Kamakailan lamang, nang isinapubliko ng Miss Universe at Mouawad koronang “Force for Good” na gawa sa mga saphire at diamond.
Inihayag nina Miss Universe at Mouawad ang koronang Force for Good na gawa sa mga Sapiro at Diamante.
Magaganap ang 71st edition ng Miss Universe sa January 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana. –sa panulat ni Jenn Patrolla