Target ng Pilipinas na makakuha ng $40-B na halaga ng assistance at loan mula sa development partners at bilateral lenders sa susunod na taon.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), plano ng administrasyon na kumuha ng $9.2-B halaga ng loans mula sa multilateral development partners.
Umabot anya sa P3.2-T ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue batay sa year-end report ng Department of Finance (DOF).
Sa kabila nito, layon na maipasa ang panukalang excise tax sa single use plastics, value-added tax sa digital service providers, at ease of paying taxes. –sa panulat ni Jenn Patrolla