Pumalo na sa P3.2-T ang halaga ng revenue collections ng bansa ngayong taon.
Ayon sa Department of Finance (DOF), nalampasan ng 2.2% ng Marcos administration ang revenue target nito para sa taong 2022 batay narin sa year-end report ng ahensya.
Sinabi ng DOF na inaasahang makukuha ng national government sa susunod na taon ang $19.1-B para sa Official Development Aid (ODA); $9.2-B sa mga loans mula sa multilateral partners; at $9.8-B naman para sa mga pautang mula sa mga bilateral lenders.
Target din ng ahensya na maisama sa mga plano ang mga pangunahing hakbang gaya ng excise tax on single-use plastics, value added tax sa digital service providers, ease of paying taxes, at ang mining fiscal regime para sa susunod na taon.