Nangako ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kanilang ipagpapatuloy sa susunod na taon, ang pakikipaglaban ng Pilipinas laban sa mga nais manakop.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, hindi nila isusuko ang soberanya at integridad ng Pilipinas para sa seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino partikular na ng mga mangingisda.
Sinabi ng kalihim, na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya upang maibigay ang economic progress, pangangalaga sa mga Pilipino sa ibang bansa, at mapalakas ang katayuan ng bansa sa global community.
Kumpiyansa si Manalo na mananatili ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa international communities at kanilang sisiguruhin ang matatag at ligtas na political, economic, at social environment.