Mahigit 58,000 pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan, hanggang kahapon o sa mismong araw ng pasko.
Batay sa datos ng PCG, pinaka-marami ang naitalang outbound passenger na 31,000 habang 27,000 ang inbound passengers.
Ayon sa ahensya, karamihan sa mga biyahero ay umuuwi sa kani-kanilang probinsya upang magdiwang ng pasko at samantalahin ang mahabang holiday weekend kasama ang pamilya.
Nag-deploy naman ang PCG ng mahigit 2,400 frontline personnel sa 15 coast guard districts upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng pasahero.
Nananatiling naka-heightened alert ang coast guard hanggang Enero 7 sa gitna nang pagdagsa ng mga biyahero ngayong holiday season.