Patuloy ang pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula 13.9% noong December 17, bumulusok ang positivity rate ng rehiyon sa 11.5% noong December 24.
Maliban sa National Capital Region, bumaba rin ang naitalang positivity rate sa lalawigan ng Bataan, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, La Union, Mountain Province, Pangasinan, Rizal, Tarlac, at Zambales.
Tumaas naman ang positivity rate sa Albay, Ilocos Sur, Kalinga, at Pampanga sa nakalipas na linggo.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa pagsusuri.