Kasado na ngayong araw ang pagpaparehistro sa sim card ng mga Pilipino, alinsunod na rin sa Sim Card Registration Law.
Sa ilalim ng naturang batas, kailangan magpresenta ng mga sim card users ng kanilang official identification bago e-sim o bagong uri ng sim card.
Batay sa inilabas na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng naturang batas, kinakailangang magparehistro ng lahat ng sim subscribers o end-user kabilang ang mga:
• Individual end-user
• Juridical entity end-user (tulad ng mga negosyo)
• Foreign national end-user
Para naman makarehistro kailangan lamang pumunta sa ibibigay na registration website ng mga telco, pag-fiill up ng personal information at isumite ang government ID na may picture o barangay certificate.
PARA SA MGA INDIVIDUAL END-USER, KAILANGANG IBIGAY ANG:
– BUONG PANGALAN
– PETSA NG KAPANGANAKAN
– KASARIAN
– OFFICIAL ADDRESS
– URI NG ID NA ISINUMITE
– ID NUMBER NA ISINUMITE
PARA NAMAN SA MGA JURIDICAL ENTITY-END USER:
– PANGALAN NG NEGOSYO
– BUSINESS ADDRESS
– BUONG PANGALAN NG AUTHORIZED SIGNATORY
KINAKAILANGAN NAMAN ANG MGA SUMUSUNOD PARA SA MGA FOREIGN NATIONAL END-USER:
– FULL NAME
– NATIONALITY
– DATE OF BIRTH
– PASSPORT
– ADDRESS SA PILIPINAS
– URI NG TRAVEL O ADMISSION DOCUMENT
– ID NUMBER O NUMBER NG DOKUMENTONG ISINUMITE
MAAARI NAMANG ISUMITE ANG ALINMAN SA MGA SUMUSUNOD NA DOKUMENTO:
• PASSPORT
• PHILIPPINE IDENTIFICATION
• SOCIAL SECURITY SERVICE ID
• GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM E-CARD
• DRIVER’S LICENSE
• NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION CLEARANCE
• POLICE CLEARANCE, FIREARMS’ LICENSE TO OWN AND POSSESS ID
• PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION ID
• INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES ID
• OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION ID
• BUREAU OF INTERNAL REVENUE ID
• VOTER’S ID
• SENIOR CITIZEN’S CARD
• UNIFIED MULTI-PURPOSE IDENTIFICATION CARD
• PERSON WITH DISABILITIES CARD
• OTHER GOVERNMENT-ISSUED ID WITH PHOTO.
SA MGA PARA SA JURIDICAL ENTITY-END USER NARITO NAMAN ANG MGA KAILANGANG ISUMITE:
• CERTIFICATE OF REGISTRATION
• KAILANGAN NAMAN NG “DULY-ADOPTED RESOLUTION DESIGNATING THE AUTHORIZED REPRESENTATIVE, AND IN THE CASE OF OTHER JURIDICAL ENTITIES, A SPECIAL POWER OF ATTORNEY.” KAPAG PARA SA KORPORASYON
SAMANTALA, IPAPANGALAN NAMAN SA MGA MAGULANG O GUARDIAN ANG SIM CARD NG MGA MENOR-DE-EDAD KABILANG ANG ID CARD AT CONSENT FORM.
PARA NAMAN SA MGA TOURIST – FOREIGN NATIONAL END-USER:
• PASSPORT
• PROOF OF ADRESS (HOTEL, AIRBNB BOOKINGS AT IBA PA)
• RETURN TICKET SA SARILING BANSA O IBA PANG TICKET NA MAGPAPAKITA NG PETSA AT ORAS NG DEPARTURE MULA PILIPINAS
PARA SA MGA FOREIGN NATIONAL END-USER NA MAY IBA PANG URI NG VISA:
• Passport
• proof of address
• Iba pang dokumento gaya ng alien employment permit mula sa Department of Labor and Employment, Alien Certificate of Registration Identification Card mula sa Bureau of Immigration o iba pang ID mula sa visa-issuing agency
• Para sa mga estudyante, kailangang i-presenta ang kanilang school registration form at ID
• Dokumento mula sa Department of Justice para sa Persons of Concern, travel o admission
Samantala, mayroon lamang 180 days o katumbas ng anim na buwan ang mga subscribers para makapagparehistro ng kanilang pre-paid at post-paid sim card upang hindi ito ma-deactivate sa susunod na taon.
Mapaparusahan naman ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong o multang 100,000 pesos hanggang 300,000 pesos o pareho ang sinumang magbebenta o maglilipat ng rehistradong sim nang hindi sumusunod sa mga inire-require sa pagpaparehistro. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
previous post