Nakatakdang isailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya natural gas sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Energy Sec. Raphael Lotilla, na may layuning masolusyonan ang problema sa mataas na singil sa kuryente.
Ayon sa kalihim, bumuo na sila ng contingency measures upang masiguro na walang magiging brownout sa ilang bahagi ng Luzon sa gitna ng kanilang maintenance shutdown sa February 4 hanggang 18, 2023.
Sinabi ni Lotilla na dahil sa energy shift na gagawin mula sa natural gas, posibleng tumaas ang singil sa kuryente sa susunod na taon.
Sa kabila nito, tiwala ang opisyal na malalampasan ng bansa ang mga pagtaas ng singil sa kuryente sa susunod na taon.