Nanawagan sa gobyerno ang grupo ng mga magsasaka na tutukan ng maigi ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ito ay matapos maitala ang sunod-sunod na pagbaha sa ilang bahagi ng bansa dulot ng shear line, na nagresulta ng pagkasawi ng 13 katao at pagkasira ng maraming pananim.
Sa panayam ng DWIZ kay Ka Rene Cerilla, Legal Officer at advocacy leader ng Pambansang Kilusan ng mga Magsasaka, sinabi nito na mahalagang intindihin ang kalagayan ng mga palayan lalo’t sila ang pinaka-napinsala ng bagyo.
Ipinanawagan naman ni Cerilla ang mahigpit na pagbabantay sa pagpupuslit ng mga sibuyas, lalo’t apektado nito ang mga magsasaka.