Patuloy na makakaapekto sa Visayas at northern portion ng Mindanao ang shear line.
Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang nararanasang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.
Dahil dito, posible ang pagkakaroon ng pagbaha at landslide dahil sa tuloy-tuloy na epekto ng masamang panahon.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, ang Palawan at nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas din ng pag-ulan dahil pa rin sa shearline.
Northeast monsoon o Amihan naman ang makakaapekto sa Luzon kabilang ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at Bicol Region.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon ay posible pa rin ang pag-ulan dahil sa localized thunderstorm.