Bumagsak pa sa 12 degree celsius ang antas ng temperatura sa Baguio City kahapon.
Mas mababa ito ng .2 degree kumpara sa 12.2 degree celsius na naitala noong pasko.
Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamalamig na panahon ngayong taon dahil sa northeast monsoon o Amihan.
Noong unang linggo ng Disyembre nang nakaraang taon, bumagsak din sa 11.4 degree celsius ang temperatura sa Baguio City.
Ang iba pang lugar sa bansa na nakapagtala ng malamig na panahon ay ang Basco sa Batanes na nasa 13.2 degrees; La Trinidad sa Benguet sa 13.9 degrees; Tuguegarao sa 17.8 degrees at Tanay sa Rizal sa 17.9 degrees.