Isinailalim na sa state of calamity ang Bayan ng Llorente sa Eastern Samar dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan.
Ayon kay Ma. Josefina Titong, pinuno ng Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, maraming residente na sa lugar ang apektado ng pagbaha.
Sinalanta rin nito ang lahat ng munisipalidad sa Eastern Samar dulot ng pagbaha dahil sa shear line.
Sa ngayon, wala pang naitatalang nasawi sa Llorente dahil sa pagbaha ngunit 6 na ang naitalang sugatan.
Madadaanan pa rin ang mga kalsada at tulay habang nasa maayos ang linya ng kuryente at komunikasyon.
Agad namang nagsagawa ng damage assessment ang disaster management officials sa mga lugar na nilubog ng pagbaha.