Nakalikha ang isang Filipino scientist ng isang cleaner cooking fuel na maaaring gamiting alternatibo sa liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), si Dr. Fiorello Abenes, isang professor emeritus sa CalPoly Pomona University sa California at isang DOST Balik Scientist sa Ilocos Norte ang nakadiskubre ng “Nipahol,”.
Isa itong cleaner cooking fuel na nakabase sa langis mula sa ethanol na nakuha mula sa nipa.
Si Abenes at ang kanyang grupo ang nakalikha ng nipahol-fueled stove na maaaring pumalit sa LPG stove.
Ang nipahol-fueled stove ay may burner at gumagana sa pamamagitan ng pull of gravity.
Ang Balik Scientist Program ng DOST ay naglalayong isulong ang pagpapalitan ng impormasyon at pabilisin ang daloy ng bagong teknolohiya sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga tauhan ng lokal na akademya.