Suspendido ang pasok sa gobyerno sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.
Dahil ito sa patuloy na pagbaha bunsod ng walang-humpay na pag-ulan dahil sa shear line.
Kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng work suspension ay ang mga sumusunod;
Bislig City sa Surigao Del Sur (walang pasok sa lokal na pamahalaan, national agencies, private offices, at GOCCs)
At Oroquieta City sa Misamis Occidental (walang pasok sa lokal na pamahalaan).