Tumuntong na sa 32 ang fireworks-related injuries na naitala ng Department of Health hanggang kahapon, December 27.
Ayon sa kagawaran, pitong bagong kaso ang naitala mula sa 61 DOH sentinel hospitals.
Ang nasabing bilang ay 39% mataas sa 23 kaso na naitala sa kaparehong panahon sa nakalipas na taon.
Nangungunang pa ring sanhi ng firecracker injuries ang boga, whistle bomb, 5-star, kwitis, at camara.
Sa ngayon ay wala pang naiuulat na kaso ng firework ingestions at stray bullet injury.