Iniluklok ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si dating Bureau of Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno bilang administrator ng Office of Civil Defense (OCD).
Sa isang pahinang appointment paper, ipinagkakatiwala ni Pangulong Marcos ang nasabing posisyon kay Nepomuceno.
Sa hiwalay namang appointment paper, itinalaga ni PBBM si Glenn Ricarte bilang assistant director ng National Bureau of Investigation (NBI).
Samantala, itinalaga rin bilang bagong NBI Asst. Director si Angelito Magno.