Palalawigin ng isang taon mula sa dating apat na buwan ang mandatory military service sa Taiwan.
Ayon kay Taiwan President Tsai Ing-Wen, pa-iigtingin ng kanilang bansa ang pagbabantay sa bawat mga border sa gitna ng tumitinding banta ng seguridad mula sa China.
Iginiit ni Tsai na hindi kakayaning matugunan ng apat na buwang military service ang inaasahang mas matinding sitwasyon sa pagitan ng china at ang kanilang bansa.
Magsismula ang isang taong military service sa taong 2024.