Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na pagsusumikapan nilang pabilisin ang pagkakaroon ng episyente at ligtas na pagbiyahe ng mga Pilipino.
Ito ang tiniyak ni Transportation Sec. Jaime Bautista kasabay ng pag-arangkada ng modernisasyon sa sektor ng transportasyon na mag-sisimula sa susunod na taon.
Aniya, maraming nakalatag na programa ang kanilang ahensya sa ilalim ng inaprubahang development plan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na tatagal ng limang taon simula 2023 hanggang 2028.
Kabilang sa nasabing programa ang pagpapaganda ng serbisyo ng EDSA busway sa ilalim ng pribadong sektor gayundin ang paglalagay ng parehong sistema sa iba pang major thoroughfares sa Metro Manila tulad ng Commonwealth Avenue.
Bagamat aminado si Bautista na marami pang kailangang ayusin sa sektor ng transportasyon, umaasa ang kalihim na ang pagmo-modernisa ng sektor ng transportasyon ay makakahikayar ng mas maraming negosyo na magreresulta sa mas marami pang trabaho. —sa panulat ni Hannah Oledan