Inaasahan ang paglagda ng Pilipinas at China sa kasunduan na naglalayong pigilan ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Nathaniel Imperial kaugnay sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa China sa january 3 hanggang 5.
Sa pre-departure briefing para sa state visit ni Pangulong Marcos Jr., inihayag ni Imperial na nais ni PBBM Na maging mapayapa at maayos ang sitwasyon at panatilihin ang soberanya at karapatan ng bansa hinggil sa pinag-aagawang karagatan.
Samantala, plano rin anya ng DFA Na buhayin ang kanilang partisipasyon sa belt and road initiative ng China. - sa panulat ni Hannahdan