Aabot sa 584 na pulis ang tinanggal sa serbisyo ngayong 2022.
Ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin Junior, 321 sa mga pulis ay sinibak para sa mga kaso ng absent without leave, 42 para sa paggamit ng iligal na droga, 15 para sa hindi pagpasok sa tungkulin sa korte, 20 para sa karahasan laban sa kababaihan at iba pa para sa pagiging sangkot sa mga kaso ng pagpatay, homicide, pagnanakaw ng sasakyan, ilegal na droga, robbery extortion, at panggagahasa .
Maliban sa bilang na ito, 2,635 miyembro ng PNP ang napatawan ng parusa matapos mapatunayang lumabag sa mga patakaran at regulasyon ng PNP o pagiging sangkot sa mga kriminal na aktibidad.
Samantala, sinabi rin ni Azurin na sa kabuuang bilang ng mga pulis, 164 ang ibinaba sa ranggo, 1,225 ang nasuspinde, 456 ang pinagsabihan, 117 ang nagpasa ng salary forfeiture penalties, 26 ang restricted sa quarters, at 63 ang tinanggihan ng mga pribilehiyo.