Nakikita ng Department of Agriculture (DA) na posibleng bumaba ang presyo ng sibuyas sa kalagitnaan ng January 2023.
Sa gitna ito ng mga pagsisikap ng pamahalaan na matiyak ang sapat na suplay ng produkto sa mga pamilihan at ang inaasahang harvest season.
Sinang-ayunan din ni DA Undersecretary Kristine Evangelista ang pahayag ng ilang mga vendor na maaabot ng bansa ang target na presyo ng sibuyas pagkatapos ng holiday season.
Dahil naman sa mataas na halaga ng produksyon, logistics, at retailing, sumampa na sa P 250 kada kilo mula sa P170 kada kilo ang Suggested Retail Price (SRP) ng sibuyas.
Nabatid na nasa higit P 500 kada kilo ang kasalukuyang presyo ng sibuyas sa merkado.