Natukoy ang dalawang kaso ng BN.1 sa bansa.
Ayon sa Department of Health, itinuturing ang BN.1 na sublineage ng BA.2.75 bilang “variant under monitoring” ng European Center for Disease Control.
Batay sa datos ng kagawaran na nakapagtala ng 342 na karagdagang kaso ng omicron subvariants.
Nagmula ang mga karagdagang kaso mula sa isang Returning Overseas Filipino Worker, Region 7, 8, 10, BARMM, CAR, Caraga, at NCR. –sa panulat ni Jenn Patrolla