Pumalo sa P9.1-M ang halaga ng mga pananim na napinsala ng kalamidad sa Agusan del Norte.
Ayon sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), mahigit 38 ektarya ng lupang sakahan ang apektado ng mga pagbaha, partikular sa apat na barangay sa bayan ng Santiago.
Kabilang naman sa mga napinsala ang halos 14 ektaryang gulayan, 13ektaryang maisan at higit sampung ektaryang palayan.