Dalawang indibidwal ang sugatan sa sunog sa Navotas Fishport Complex, Barangay NBBN, Navotas City.
Kinilala ang biktimang sina Jay-Ar Perez, 33-anyos at Jeffrey Mastango, 28-anyos.
Ayon sa Bureau of Fire Protection- National Capital Region, umabot sa unang alarma ang sunog sa Market 3, NFPC, Barangay NBBN, Navotas City dakong alas-2 ng hapon.
Itinaas ito sa ikatlong alarma ang sunog sa oras ng 2:35 ng hapon.
Samantala, wala namang naiulat na nasawi sa naganap na sunog sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Jenn Patrolla