Magpapatupad ang Petron Corporation at Solane ng bawas-presyo sa produkto ng Liquefied Petroleum Gas (LPG), simula ngayong araw.
Sa abiso ng Petron, P4.20 ang kada kilo na rollback para sa kanilang Household LPG habang bababa ng P2.35 kada litro ang AutoLPG.
Ito ay sumasalamin anya sa International Contract Price ng LPG para buwan ng Enero.
Sinabi ng Solane na bababa ang presyo ng LPG sa P3.09 simula ngayong araw ng alas-6 ng umaga. —sa panulat ni Jenn Patrolla