Inaasahang si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang kauna-unagang first world leader na bibisita sa China ngayong taon.
Ayon kay Spokesperson Wang Wenbin, ito ang magiging unang State Visit ni Pres. Marcos sa China pagkatapos maupo bilang pangulo kasama ang kanyang mga opisyal.
Ito na anya ang nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng China at Pilipinas sa bilateral relations.
Bibiyahe naman si Marcos kasama sina First Lady Liza Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at ilang cabinet secretaries.
Samantala, iginiit ni Marcos na hindi niya hahayan na yurakan ng China ang maritime rights ng Pilipinas sa karagatan partikular ang South China Sea.
Nabatid na inangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea at hindi pinansin ang desisyon ng International Court dahil wala umanong batayan ang claims rito. —sa panulat ni Jenn Patrolla