Imamandato ng pamahalaan ng Canada ang pagpapakita ng negatibong resulta ng Covid-19 test sa mga pupunta sa kanilang bansa mula China.
Gaya ito nang naunang ibinabang patakaran din ng gobyerno ng estados unidos at ng iba pang mga bansa bilang pag-iingat sa pagkalat ng Covid-19 bunsod ng mabilis na pagtaas ng kaso ng virus sa China
Kung saan kailangang hindi hihigit sa dalawang araw ang naturang pagsusuri bago umalis kasama ang kanilang boarding pass.
Magsisimula ang implementasyon ng naturang patakaran simula sa ika-5 ng Enero na muling susuriin pagkatapos ng 30 araw.