Nagkaloob ng libreng sakay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pasaherong na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa LTFRB, ang libreng shuttle service ang maghahatid sa mga pasahero patungong Clark International Airport matapos magkaroon ng technical problem sa naturang airport.
Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, nakipag-ugnayan na sila sa mga transport operators sa National Capital Region (NCR) at Region 3 upang matulungan ang mga na-stranded na pasahero.
Layon nito na maprotektahan ang mga pasahero laban sa mga mananamantalang taxi at TNVs na maniningil ng mahal na pamasahe. —sa panulat ni Jenn Patrolla