Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpanaw ni dating Pope Emeritus Benedict XVI dahil sa ibat-ibang komplikasyong dulot ng kanyang katandaan.
Sa Twitter post ng Punong Ehekutibo, kaniyang ipinaramdam sa mga pinuno ng relihiyon ang kalungkutan at pakikiisa ng Pilipinas kasabay ng pag-alay ng panalangin sa dating Santo Papa.
Matatandaang si Pope Benedict ang ika-265 Santo Papa na nanilbihan mula noong 2005 hanggang taong 2013.