Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 464 COVID-19 cases sa unang araw ng 2023.
Dahil dito, tumuntong na sa 4,064,779 ang COVID-19 caseload.
Batay pa sa datos ng kagawaran, bumulusok sa 13,061 ang bilang ng mga aktibong kaso ng naturang sakit, na pinakamababang bilang sa loob ng halos anim na buwan, mula nang maitala ang 13,021 active cases noong July 9, 2022.
Sumampa naman sa 3,986,321 ang total recoveries matapos itong madagdagan ng 760, habang pumalo naman sa 65,397 ang death toll.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 3,245; sinundan ng CALABARZON, 1,521; Central Luzon, 744; Western Visayas, 395; at Ilocos Region, 301 cases.
Pagdating naman sa mga lalawigan at siyudad, ang Quezon City ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 771 cases; sinundan ng Maynila, 426; probinsya ng Cavite, 424; Laguna, 400; at lalawigan ng Rizal, 377 cases.