Mananatiling nakataas ang full alert status ng Philippine National Police (PNP) hanggang Enero 6, kung saan inaasahang magbabalik-normal na ang sitwasyon matapos ang mahabang holiday break.
Ayon kay Col. Redrico Maranan, pinuno ng PNP Public Information Office, bahagi ito ng security plan para sa holiday season kung saan lahat ng mga tauhan nito ay hindi hinihikayat na mag-leave upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.
Binigyang diin ni Maranan na kinakailangan ang presensya ng mga pulis lalo’t marami na ang magbabalik-trabaho at ekswela.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay inatasan ni pnp chief gen. Rodolfo azurin jr., ang kanyang mga tauhan na paigtingin ang security measures at police presence sa mga itinuturing na places of convergence kabilang ang transportation hubs at mga lansangan, partikular ang mga patungo at mula sa metro manila at iba pang urban areas.