Pinag-aaralan ng Department of Transportation ang posibilidad na ibalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel kaakibat ng planong pagsasapribado nito.
Ayon kay Transportation secretary Jaime Bautista, may inilaang pondong P2.1B ang kongreso para sa Contract Service Program.
Maaaring dito anya nila hugutin ang pondo para sa libreng sakay.
Idinagdag ni Bautista na gagawa ang DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng programa kung paano gagamitin ang P2.1B na budget.
Nito lang linggo, Enero a –1, nagtapos ang libreng sakay sa EDSA Busway kaya’t maraming mga pasahero ang naninibago at umaasang ibabalik ang free ride.