Sumampa na sa mahigit P243M ang halaga ng pinsalang idinulot ng shear line sa imprastraktura.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), nakapagtala rin ng pinsala ang National Irrigation Administration na umabot sa P2,050,000.
Lumobo naman sa P1,137,605,000 ang halaga ng danyos sa 99 na imprastraktura.
Aabot naman sa 4,540 bahay ang nasira dahil pa rin sa epekto ng shear line, kung saan, 3,704 dito ang partially damaged habang 836 ang totally damaged.