Ipinanawagan ng dating general ng Philippine Air Force (PAF) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na regular na magsagawa ng inspeksyon sa kanilang mga paliparan.
Mungkahi ito ni Gerry Zamudio, Ret. Gen ng Philippine Air Force sa panayam ng DWIZ, kasunod ng naitalang aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa glitch.
Ayon kay Zamudio, mahalaga ang pagsasagawa ng malimit na inspeksyon, upang mabantayan ang sistema at mabago ang mga kailangang baguhin.
Dapat ding magtalaga ng multiple setup ang CAAP para sakaling bumigay ang isang kagamitan ay mayroong ipapalit kaagad.
Samantala, para naman sa taong magbabantay kung sakaling magkaroon ng aberya, ipinayo ni Zamudio na magtalaga ng inspector general gaya ng ginagawa sa Philippine Air Force.