Inaasahang balik-normal na bukas, January 4 ang mga flights ng Philippine Airlines (PAL) matapos ang pansamantalang shutdown ng airport nuong January 1.
Ayon ito kay PAL spokesperson Cielo Villaluna bagama’t dahil peak season pa rin, may mga external factors aniyang maaaring makapagpa-delay sa biyahe ng PAL.
Ipinabatid ni Villaluna na wala nang kanseladong flight ang PAL na may kinalaman sa technical glitch nuong January 1.